^

Bansa

Abogado ni GMA liyamado sa Comelec

- Ni Rudy Andal -

MANILA, Philippines - Kinumpirma kahapon ng Malacañang na kabilang ang election lawyer ni dating Pangulo at ngayo’y Congresswoman Gloria Arroyo sa pinagpipilian ni Pangulong Noynoy Aquino na papalit bilang chairman ng Commission on Elections (Comelec).

Inanunsiyo ni Deputy Presidential Spokesperon Abigail Valte na sina Atty. Sixto Brillantes at Atty. Romulo Macalintal ang mga napipisil ng Pangulo kapalit ni Comelec chairman Jose Melo na nakatakdang magretiro sa Enero 31.

Si Brillantes ay na­ging abogado ni Pres. Noy noong eleksyon at si Macalintal ay naging abogado naman ni Rep. Gloria.

Nabatid na nagpulong na sa Palasyo sina PNoy, Executive Secretary Jojo Ochoa at Macalintal kung saan personal umanong kinausap ng Pangulo ang huli para ipaalam dito na kasama siya sa mga pinagpipi­lian para maging kapalit ni Melo.

Tinanong din umano ng Pangulo kay Maca­lintal ang kanyang mga plano para sa Comelec.

Kinumpirma naman ni Atty. Macalintal na inalok na siya ni PNoy para sa nasabing bakanteng posis­yon at ihahayag niya sa linggong ito ang kanyang magi­ging tugon. 

May ilan namang nagpayo kay Macalintal na maghanda na ng mga argumento sa mga inaasahang batikos sa kanya dahil na­ging abugado siya ni dating Pangulong Gloria Arroyo.

COMELEC

CONGRESSWOMAN GLORIA ARROYO

DEPUTY PRESIDENTIAL SPOKESPERON ABIGAIL VALTE

EXECUTIVE SECRETARY JOJO OCHOA

JOSE MELO

KINUMPIRMA

MACALINTAL

PANGULO

PANGULONG GLORIA ARROYO

PANGULONG NOYNOY AQUINO

ROMULO MACALINTAL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with