^

Bansa

674 pulis dumaan sa re-training

- Joy Cantos -

MANILA, Philippines - Umaabot sa 674 mi­yembro at mga opisyal ang isinalang na kahapon ng Philippine National Police sa re-training partikular na ang mga nasasangkot sa serious grave offense, pagsira ng disiplina at imahe ng organisasyon.

Sa isang pulong-bali­taan kahapon sa Camp Crame, sinabi ni PNP Spokesman Chief Supt. Agrimero Cruz Jr. na ang unang grupo ng mga pulis ay isinalang sa re-training sa School for Values and Leadership sa Clarkfield, Pampanga.

Kabilang sa mga ito ay ang 57 buong pu­wersa ng Talavera Municipal Police Station (MPS) sa Nueva Ecija; 60 pulis mula sa Cainta Police Station sa Rizal at 42 kasapi ng Police Station 12 ng Quezon City Police na nakabase sa Eastwood, Quezon City.

Sinabi ni Cruz na ang mga elemento ng Talavera MPS ay muling sasanayin sa tamang asal at pag-uugali matapos namang masangkot si Inspector Bernardo Castro sa pamamaril at pagkakapatay sa hepe nitong si Supt. Ricardo Dayag sa loob ng compound ng kanilang himpilan noong Enero 1.

Dalawa namang bagitong pulis ng Cainta MPS ay nasangkot sa pagdukot at bigong pagpatay sa isang buntis na ginang.

Ang iba pa ay ang 38 pulis sa San Fernando, La Union; 88 sa Cauayan City, Isabela; 36 sa Naujan Municipal Police Station sa Oriental Min­doro; 33 sa Camalig MPS sa Albay; 30 sa Bacolod City Police sa Negros Occidental; 21 sa Dauin MPS sa Negros Oriental at 17 naman mula sa Albuena MPS sa Leyte.

AGRIMERO CRUZ JR.

BACOLOD CITY POLICE

CAINTA POLICE STATION

CAMP CRAME

CAUAYAN CITY

INSPECTOR BERNARDO CASTRO

LA UNION

NAUJAN MUNICIPAL POLICE STATION

NEGROS OCCIDENTAL

NEGROS ORIENTAL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with