Filart tugis na
MANILA, Philippines - Maghahain ng extradition treaty ang Department of Justice (DOJ) laban sa isa pang akusado sa Vizconde massacre case na si Joey Filart matapos na matiyak ng kagawaran na “existing” pa ito at nasa Estados Unidos.
Sinabi ni Justice Secretary Leila de Lima, base sa nakalap na impormasyon na nakuha ng Inter-agency Task Force na tumututok sa re-investigation ng nasabing kaso, namataan sa nasabing bansa si Filart.
Dahil dito kayat, ipinag-utos na ng Kalihim sa task group na tuntunin ang eksaktong lugar na kinaroroonan ng suspek at lumalabas na totoong buhay pa ito taliwas sa unang sinabi ni Atty. Jose Flaminiano, abogado ng dalawa sa mga akusadong naabswelto sa kaso na sina Hospicio Fernandez at Gerardo Biong.
Sa naunang pahayag ni Flaminiano, sinabi nito na nagsasayang lang ng panahon ang mga awtoridad kung target pa rin nilang maaresto sina Filart at Artemio Ventura dahil “fictitious” umano ang mga taong ito o walang taong nabubuhay na may ganitong pangalan.
Patuloy pa rin umanong inaalam ng Task force kung bakit sa loob ng halos 20 taon ay hindi maaresto sina Filart at Ventura.
Sa sandaling matagpuan si Filart ay opsyon nila ang pag-extradite dito lalo na at mayroon itong warrant of arrest matapos na masangkot sa massacre
Bukod kay Jessica Alfaro at Filart, pinaghahanap na rin ng NBI ang labandera na nagsabi na nasa Pilipinas nga si Webb ng maganap ang pamamaslang ang mag-iinang Estrelita, Carmela at Jennifer Vizconde.
Pinaghahanap na rin ng NBI ang kasintahan ni Carmela na sinasabing siyang naghatid dito noong gabi bago maganap ang massacre.
- Latest
- Trending