^

Bansa

Nagbebenta ng iligal na paputok, mga pulis?

- Ni Ludy Bermudo -

MANILA, Philippines - Ibinunyag kahapon ng mga operatiba ng Manila Police District (MPD) na ‘kabaro’ nila ang mismong may-ari ng mga panindang iligal na pa­putok na naglipana sa Divi­soria­ market sa Bi­nondo, Maynila.

Ito’y matapos ang ilang araw na pagsalakay ng mga tauhan ni Senior Supt. Nelson Yabut ng Manila Police District-District Mobile Group, sa kahabaan ng Juan Luna, Ilaya at iba pang kalye sa Binondo na pinutakte umano ng mga illegal fire­crackers tulad ng ‘Goodbye Earth’, ‘Goodbye Philippines’, ‘Goodbye Universe’ , ‘plapla’ at iba pang malalakas na uri ng paputok kabilang ang na­ngungunang sanhi ng pagkakasugat ng mga bata na ‘piccolo’.

Sinabi ni Yabut na may kautusang ibinaba si National Capital Region Police Office (NCRPO)di­rector C/Supt. Nicanor Bartolome na nag-aatas sa MPD na hulihin at kumpiskahin ang mga iligal na paputok.

Katunayan ay naka­tatanggap na umano siya ng maraming tawag hinggil sa pang-aarbor umano ng kapwa mga pulis sa mga kinumpiskang pa­putok. May ilan umanong protector at ilan din ang mismong may negosyo nito.

Hinihintay niya lamang umanong lumutang ang mga umaarbor na mga pulis upang kasuhan niya dahil hindi niya umano ibabalik ang mga paputok na nakatakdang dalhin sa NCRPO upang basain.

Nabatid naman kay Yabut na nang mangum­piska sila kahapon ng umaga kasama ang mga tauhan ng NCRPO, nagsama na rin sila ng mga tauhan ng Special Weapons and Tactics (SWAT) upang mapigilan ang anumang pagtatangka na umalma ang mga pulis na kabilang sa nagtitinda ng paputok.

Halos milyong halaga na ng iligal na paputok ang nasa kustodiya ni Yabut.

GOODBYE EARTH

GOODBYE PHILIPPINES

GOODBYE UNIVERSE

JUAN LUNA

MANILA POLICE DISTRICT

MANILA POLICE DISTRICT-DISTRICT MOBILE GROUP

NATIONAL CAPITAL REGION

SHY

YABUT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with