Walang bagyo
MANILA, Philippines - Walang magaganap na bagyo sa bansa hanggang sa matapos ang taong 2010.
Ayon kay Elvie Enriquez, weather forecaster ng PAGASA, bagamat may sama ng panahon na namataan ang ahensiya noong nakaraang linggo, hindi naman ito magiging ganap na bagyo.
Tanging mga pag-uulan lamang ng kalangitan na may paminsan minsang pag-uulan ang mararanasan sa bansa laluna sa Northern at Southern Luzon dahil sa epekto ng hanging amihan o northeast monsoon at apektado naman ng tail-end of a cold ang Southern Luzon, Visayas at Mindanao kaya maulap ang papawirin na may pag-uulan dito.
“We see no weather disturbance coming until end-December,” pahayag ni Enriquez.
Kaugnay nito, sinabi ni Enriquez na ang temperatura sa Metro Manila ay patuloy na bababa o lalamig na aabutin sa 20-degree celsius laluna sa madaling-araw.
Sa Baguio City naman ang temperatura ay umaabot sa 13 hanggang 21 degrees celcius at 18 degrees sa Tagaytay City.
- Latest
- Trending