^

Bansa

Philippine Sports University gustong itatag sa bansa

- Ni Malou Escudero -

MANILA, Philippines – Dahil maituturing na “ambassadors of goodwill” at simbolo ng kara­ngalan ng bansa ang mga atleta, nais ni Senator Edgardo Angara na magkaroon ng isang Philippine Sports University sa Pilipinas na huhubog sa mga manlalaro at pormal na magtuturo ng sports education.

Ginawa ni Angara ang panukala matapos lumikha ng pangalan ang Philippine national football team na “Azkals” sa Asian football scene.

Ayon kay Angara, chairman ng Senate Committee on Education, kulang na kulang ang suporta ng gobyerno sa mga atleta lalo na sa pagbibigay ng kinakailangang training.

Sinabi ni Angara sa kaniyang Senate Bill No. 48 o “Philippine Sports University Act” kung magkakaroon ng isang paaralan na para lamang sa mga atleta mas mapagtutuunan ng pansin ang kakayahan ng mga ito lalo na sa pagsabak sa mga international na laban.

Kapuna-puna aniya na palaging nangungulelat ang Pilipinas sa mga karatig bansa pagdating sa area ng sports deve­lopment.

“We can see that the Philippines is lagging behind its neighbors in Asia in the area of sports development. The football teams from Thailand, Singapore and Indonesia are showing amazing progress resulting from the prioritization of their countries’ sports programs,” ani Angara.

Dahil ang mga atleta aniya ang  sumisimbolo sa national pride ng bansa, dapat lamang na bigyan ang mga ito ng atensiyon at suporta ng gobyerno upang maging pinakamagaling na mga manla­laro sa mundo. 

Kabilang umano sa inirereklamo ng “Azkals” ang kawalan ng mga training facilities at resources, na katulad din halos ng reklamo ng iba pang atleta sa mundo ng  Philippine sports.

Hindi aniya dapat masayang ang mga international recognition na nakuha ng Pilipinas sa pamamagitan ng mga matagumpay na laban ni Saranggani Rep. Manny Pacquiao at Efren “Bata” Reyes. 

Ani Angara, panahon na upang magkaroon ng “overhaul” sa sports education sector.

ANGARA

ANI ANGARA

AZKALS

DAHIL

PILIPINAS

SPORTS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with