^

Bansa

3 opisyal ng Customs, kinasuhan sa Ombudsman

Nila - Gemma Garcia at Angie dela Cruz -

MANILA, Philippines –  Ipinagharap kahapon ng Department of Finance Revenue Integrity Protection Service (DOF-RIPS) ng kasong administratibo at kriminal ang tatlong mataas na opisyal ng Bureau of Customs (BOC) sa Office of the Ombudsman dahil sa illegal na pagkuha ng mga sample ng articles mula sa isang nahuling shipment.

Kabilang sa kinasuhan ng paglabag sa Tariff Customs Code of the Philipines, dishonesty at gross misconduct sina gross Mitchell Verdeflor, intelligence officer I; Eric Albano, intelligence officer IV  at Jover Jordan, clerk II.

Base sa  14 na pahinang complaint affidavit na inihain nina DoF-RIPS intelligence officers Oscar Moratin at Crispin Velarde lumabas na kumuha si Verdeflor at iba pang respondents ng samples sa isang 1x40 container para umano  sa legal verification ng articles na susuriin CIIS.

Ang 1x40 container ay naglalaman ng mga household items ay nakaconsign sa Quick  Flo Trading na una nang hinarang sa Port of Manila  mula sa bansang Singapore  noong Pebrero 6, 2010 subalit lumalabas sa resulta ng Container Inspection System Image na hindi naman ito naglalaman ng mga kontrabando.

Dahil sa naging hold order ay nagsagawa ng physical examination sa kargamento na ginawa sa warehouse 159 ngunit nang kunin ang mga kargamento ay hindi naman ito dumaan sa tamang proseso.

Subalit natuklasan na kinuha nina Verdeflor ang mga articles nang hindi man  lang lumagda bilang requesting party sa sample receipts.

Binigyang diin ng mga complainant na kung maganda ang intensiyon nina Verdeflor  sa pagkuha ng sample sa warehouse ay hindi tatangkain ng mga ito na pagtakpan kung ano tunay na nangyari.

vuukle comment

BUREAU OF CUSTOMS

CONTAINER INSPECTION SYSTEM

CRISPIN VELARDE

DEPARTMENT OF FINANCE REVENUE INTEGRITY PROTECTION SERVICE

ERIC ALBANO

FLO TRADING

JOVER JORDAN

MITCHELL VERDEFLOR

VERDEFLOR

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with