MANILA, Philippines – Bilang suporta sa ordinansa kontra sa paputok ng pamahalaang lungsod ng Makati, nagmartsa kahapon ang mga miyembro ng EcoWaste Coalition, Advocates for Environmental and Social Justice at Barangka Barangay Council dala ang sarili nilang Sta. Claus sa lugar ng “gas leak” sa Brgy. Bangkal upang manawagan sa pag-iwas sa pagpapaputok sa mga residente.
Bukod sa panganib na magmitsa ng isang trahedya sa itinuturing na “timebomb” na lugar dahil sa kemikal sa hangin at naimbak na gas sa West Tower Condominium, sinabi ni Aileen Lucero ng EcoWaste na nakakadagdag rin sa lason sa hangin ang mga paputok.
Sa datos ng DOH, nakakadagdag sa mga lason tulad ng carbon dioxide, carbon monoxide, sulfur compounds at iba pang organic compounds ang mga pinasabog na paputok..
Ipinagbabawal ang pagbebenta, paglikha, pag-iimbak, posesyon at paggamit ng anumang uri ng paputok o iba pang sumasabog na bagay sa mga barangay Bangkal, Pio Del Pilar at Magallanes.