^

Bansa

Testimonya ni Jessica ebidensiya ng PAO

- Gemma Amargo-Garcia -

MANILA, Philippines –  Nilinaw ni Public Attorneys Office (PAO) Chief Persida Rueda Acosta na hindi na sila maghahain ng panibagong ebidensya sa sandaling magsampa sila ng motion for reconsideration sa Korte Suprema.

Ang pinakamalakas lamang umano nilang ebidensya na maihaharap ay ang testimonya ng testigong si Jessica Alfaro.

Samantala, sinabi naman ni SC spokesman Atty. Jose Midas Marquez na karapatan ng PAO na maghain ng MR subalit matatagalan pa umano ang kaso.

Kaugnay nito, nilinaw pa rin ni Acosta na hindi reliable na gamitin ang semen specimen na ebidensya na nakuha kay Carmela Vizconde noon na ginahasa muna bago pinatay.

Ayon kay Acosta, na­tuyo na ang naturang semen dahil likido ito at kahit anong testing ang gawin doon ay hindi na mapapakinabangan pa.

Nagtataka na lamang ito na noong iprinisinta ang naturang semen specimen ay hindi ito minarkahan ng depensa, subalit bakit ngayong mahabang panahon na ang lumipas ay saka na lamang humihingi ang depensa na ilabas ang naturang ebidensya.

Kinuwestyon din ni Acosta kung bakit hindi iniwan noon ni Hubert Webb na siyang itinuturong prime suspect sa kaso, ang orihinal na kopya ng kanyang pasaporte at sa halip ay xerox copy lamang nito ang pinakita sa korte.

Kung sinasabi umano ng kampo ni Webb na noong Marso hanggang Oktubre 1991 ay nasa Amerika ito, maaaring sa pagitan ng mga buwan ito ay nakauwi siya, subalit hindi na nakita dahil hindi niya iprinisinta ang orihinal na pasaporte.

Posibleng wala na rin umanong masilip na butas sa kaso ang mga mahistrado kung kayat ang kredibilidad naman ng testigo ng panel of prosecution na si Alfaro ang tinira sa desisyon kayat naabswelto ang grupo ni Webb.

vuukle comment

ACOSTA

CARMELA VIZCONDE

CHIEF PERSIDA RUEDA ACOSTA

HUBERT WEBB

JESSICA ALFARO

JOSE MIDAS MARQUEZ

KORTE SUPREMA

PUBLIC ATTORNEYS OFFICE

WEBB

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with