^

Bansa

Kaya mahirap maaresto: Ping kinakanlong ng pulitiko

- Nina Gemma Amargo Garcia at Joy Cantos -

MANILA, Philippines - Posibleng kinakanlong umano ng maiimpluwensiyang dati at kasalukuyang mga opisyal ng gobyerno ang puganteng si Senador Panfilo Lacson upang matakasan ang pag -aresto laban dito kaugnay ng kontrobersyal na Dacer-Corbito double murder case noong 2000.

Sa isang pulong ba­litaan, inamin  ni Justice Undersecretary Francisco Baraan III na nahihirapan ang National Bureau of Investigation (NBI) na hanapin at arestuhin si Lacson dahil sa posibleng koneksyon nito sa makakapangyarihang coddlers na pulitiko.

“There are some former and incumbent politicians na baka pinoprotektahan si Senator Lacson”, ayon kay Baraan subalit tumanggi na itong magbigay pa ng detalye matapos ang sunud-sunod na bulilyaso sa raid ng NBI operatives upang dakpin si Ping.

Nauna nang nagbabala ang NBI sa mga personalidad na nagtatago kay Lacson na maari silang masampahan ng kasong ‘obstruction of justice’ sa sandaling mapatunayang kinakanlong si Ping.

Samantala, tiniyak naman ni PNP Chief Director General Raul Bacalzo na hindi bibigyan ng VIP treatment si Ping sa oras na maaresto ito.

“I would like to assure however, our kababayans that even in the events that Sen. Lacson is arrested, he will not be given special treatment only due process of law”, pahayag ng PNP Chief.

Sa kabila nito ay hindi naman matiyak ni Bacalzo kung nakalabas na ng bansa o nagpapalipat-lipat  lamang ng Pilipinas sa pagtatago ang may sa palos na si Ping.

Magugunita na nag­lunsad ng isang kampanya ang Violence Against Crime and Corruption (VACC) para makaipon ng halagang P2 milyon reward mo­ney para sa sinumang makapagbibigay ng impormasyon na makapagtuturo sa pinagtataguan ni Ping na nagmamatigas na sumuko sa batas.

BACALZO

BARAAN

CHIEF DIRECTOR GENERAL RAUL BACALZO

JUSTICE UNDERSECRETARY FRANCISCO BARAAN

LACSON

NATIONAL BUREAU OF INVESTIGATION

SENADOR PANFILO LACSON

SENATOR LACSON

VIOLENCE AGAINST CRIME AND CORRUPTION

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with