^

Bansa

PCSO pabor na i-limit sa P500M ang jackpot sa lotto

- Ni Angie dela Cruz -

MANILA, Philippines - Pabor ang pamunuan ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) sa panukala ni Congressman Ben Evardone na limitahan sa kalahating bilyong piso ang jackpot prize sa lotto.

Taliwas ito sa naunang pahayag ni PCSO assistant general manager Liza Gabuyo na walang limitasyon ang jackpot prize sa lotto dahil ito daw ang nakasaad sa batas.

Sinabi ni PCSO chairperson Margie Juico dapat nasa P300 milyon hanggang P500 milyon lamang ang ceiling sa jackpot prize. Anya, masyadong malaki na ang nasabing halaga para sa isang ordinaryong Pilipino na sanay naman sa karaniwang buhay.

Katunayan ayon kay Juico, napag-usapan na ng limang board member ang panukala ni Evardone at posibleng isalang ito sa board hearing sa susunod na taon.

Una nang iminungkahi ni Evardone sa Kamara na limitahan sa kalahating bilyong piso ang jackpot prize sa lotto at kung hindi mapapanalunan ay dapat nang i-donate sa isang charitable institution.

ANYA

CONGRESSMAN BEN EVARDONE

EVARDONE

JUICO

KAMARA

KATUNAYAN

LIZA GABUYO

MARGIE JUICO

PABOR

PHILIPPINE CHARITY SWEEPSTAKES OFFICE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with