^

Bansa

$2.85-B investment tiniyak ni P-Noy mula Japan

- Ni Rudy Andal -

MANILA, Philippines - Umabot sa $2.85 bil­yong halaga ng investment mula sa Japan ang naiuwi ni Pangulong Benigno Aquino III sa kanyang 5-day Japan trip.

Sinabi ni Pangulong Aquino sa kanyang arrival statement kahapon mula sa kanyang 5-araw na pagbi­sita sa Japan at pagdalo sa APEC Summit sa Yokohama, may inaasahan pa rin siyang $2.6 bilyong investment mula sa Japan.

“Hindi bababa ang new investments sa $2.85 billion. Kung papayag po tayo, meron pa hong mga negosyo na hindi bababa naman po sa $2.6 billion ulit dahil nasa fi­nal stages na po ng ka­nilang preparation,” wika pa ni Aquino.

Nakipagpulong si P-Noy sa mga Japanese corporations na Marubeni, Toshiba at Itochu.

Aniya, $122 milyon ang investment ng Itochu para sa bio-ethanol plant sa Isabela habang $133 milyon ang investment ng Toshiba para sa expansion ng electronic plants nito sa Pilipinas.

Wika pa ni Aquino, ang Marubeni naman ay mag-expand ng kanilang investment sa Sual power plant ($1-B); $600-M sa Calaca at $1-B naman sa Pagbilao.

Ang naiuwing investment ni P-Noy na $2.85-B ay mas malaki sa $2.4-B investment na nakuha nito sa kanyang US trip.

ANIYA

AQUINO

CALACA

INVESTMENT

ITOCHU

MARUBENI

P-NOY

PANGULONG AQUINO

PANGULONG BENIGNO AQUINO

TOSHIBA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with