Reistruktura ng PAL idinepensa sa Kongreso
MANILA, Philippines - Sinabi kahapon ng Philippine Airlines sa Kongreso na kinakailangan ang corporate restructuring at spin-off programs ng PAL para matiyak ang patuloy na operasyon nito sa gitna ng malaking pagkalugi ng industriya ng mga eroplano sa nagdaang dalawang taon.
Sa pagdinig ng House of Representative Committee on Labor, iginiit ni PAL President at CEO Jaime Bautista na merong legal na basihan ang desisyon kamakailan ng Department of Labor and Employment na nagpapatibay sa kapasyahan ng pangasiwaan ng PAL na ireorganisa ang kumpanya. Naglalaan din ito ng magandang separation package sa 2,600 apektadong empleyado.
Sinabi pa niya na pinapahintulutan din sa desisyon ng DOLE ang pagbebenta sa mga non-core unit ng PAL tulad ng in-flight catering, call center reservations at contract the same to third party service providers.
Idineklara rin ng ahensya na alinsunod sa batas ang pagtanggal sa mga empleyadong apektado ng pagbabago sa istruktura ng kumpanya. Wala anilang pananagutan ang PAL sa anumang unfair labor practice na ibubunga ng termination.
- Latest
- Trending

















