^

Bansa

Bakuna sa mga sanggol vs Hepa B aprub na

- Ni Malou Escudero -

MANILA, Philippines - Nakapasa na sa ikatlo at pinal na pagbasa sa Senado ang panukalang batas na naglalayong gawing mandatory ang pagbabakuna sa mga bagong silang na sanggol laban sa Hepatitis B.

Sa ilalim ng Senate Bill 138 o “An Act Requiring Basic Immnunization Services against Hepatitis B for infants,” ang mga bagong silang na sanggol ay babakunahan laban sa Hepa B sa loob ng 24 na oras matapos itong ipanganak.

Kung sa labas naman ng ospital o clinic ipinanganak ang sanggol, ito ay dapat dalhin sa pinakamalapit na health center facility para mabakunahan sa loob ng 24 na oras at hindi dapat palampasina ng pitong araw.

Ayon kay Sen. Pia Cayetano, pangunahing awtor ng panukala, mahalagang ma-institutionalize ang pagbabakuna laban sa mga sanggol upang masiguradong hindi sila magkakaroon ng Hepa B.

AN ACT REQUIRING BASIC IMMNUNIZATION SERVICES

AYON

HEPA B

HEPATITIS B

LABAN

NAKAPASA

PIA CAYETANO

SANGGOL

SENADO

SENATE BILL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with