MANILA, Philippines - Nakahanda si dating Executive Secretary Oscar Orbos ng Cory Aquino government na tumulong sa administrasyon ni Pangulong Benigno Aquino III.
Sinabi ni Atty. Orbos, ang anumang tulong na kanyang puwedeng gawin sa ikakatagumpay ng Aquino administration ay handa niyang ibigay kay Pangulong Noynoy Aquino.
“I am very much willing to help our President Noynoy Aquino in serving our country up to the best that I could,” wika pa ni Sec. Orbos sa Pilipino Star Ngayon (PSN).
Sinabi naman ni Presidential Communications Operations Office Secretary Herminio Coloma Jr. ng kunan ng reaksyon na nasa Pangulong Aquino ang pagpapasya kung sino ang nais nitong kunin na maging katuwang sa pamamahala sa gobyerno.
Ayon naman sa ilang source, posibleng kunin ni P-Noy si Orbos dahil sa kakayahan nito sa paghawak ng posisyon sa gobyerno na napatunayan na nito noong maglingkod bilang DOTC secretary at executive secretary ng kanyang ina na si yumaong Pangulong Cory Aquino.
Ilang source naman sa Palasyo ang nagsabi na isang malaking asset si Sec. Orbos sakaling kunin ito ng Aquino administration.