P-Noy ikinumpara kay Obama

MANILA, Philippines - Iginiit ng Malacañang na hindi puwedeng ikum­para si US President Barack Obama kay Pangulong Noynoy Aquino dahil mag­ kaiba ang dalawa.

Sinabi ni Presidential Communications Secretary Herminio Coloma, nahalal si Obama dahil sa mga economic crisis ng nakaraang administrasyon at nag-alok siya ng mga bagong reporma sa kan­yang pamahalaan.

Samantala si P-Noy ay nahalal dahil sa nais na pagbabago ng Filipino sa pamamahala mula sa anti-corruption stand nito.

Magkaiba rin anya ang pulitika ng bansang US at Pilipinas.

Halos nasa kalagitnaan na ng kanyang termino si Obama habang si P-Noy ay nasa ika-5 buwan pa lamang ng kanyang ad­ministrasyon.

Magugunita na tina­tayang aabutin din ni Aquino ang pagbagsak ng popularidad nito tulad ng nangyari kay Obama ng matalo ang kanyang par­tido sa mid-term election sa US.

Show comments