MANILA, Philippines - Walang bagyo pero maulan sa ibat ibang bahagi ng bansa dahil sa Intertropical Convergence Zone (ITCZ) partikular sa Central at Southern Luzon gayundin sa Visayas at Mindanao.
Bukod sa ITC, nakakaapekto din ang tail-end of a cold front sa Northeastern Luzon, Central at Southern Luzon, Visayas at Mindanao kayat patuloy na nakakaranas ng maulap at maulang panahon sa naturang mga lugar.
Bunsod nito pinapayuhan ng Pag Asa ang mga residente sa nabanggit na lugar na mag-ingat at ugaliing mapagmasid sa paligid upang maiwasan ang banta ng flashfloods at landslides. Maalon naman ang karagatan.