^

Bansa

Pinay plinantsa, minartilyo at binuhusan ng asido sa Bahrain

- Ni Ellen Fernando -

MANILA, Philippines - Matinding kalbaryo at pangtu-torture ang sinapit ng isang Pinay domestic helper sa kamay ng sadistang amo matapos umanong pasuin ng plantsa, pukpukin ng martilyo ang kamay at paliguin pa ng asido ang ulo sa loob ng limang buwang pagli­lingkod nito bago tuluyang makatakas sa Bahrain.

Sa report ng Embahada ng Pilipinas sa Bahrain sa Department of Foreign Affairs, ang OFW na hindi muna pinangalanan ay nagsampa na ng kaso laban sa kanyang amo at kasalukuyang nasa pa­ngangalaga ng Embahada.

Sa salaysay ng Pinay, madalas siyang gulpihin at pagsisipain na parang isang hayop ng kanyang employer at hindi rin siya pinasahod ng limang buwan.

Sa limang buwang pananatili niya sa amo ay naranasan niyang saksakin siya ng tinidor sa kamay, plantsahin sa tuhod, martil­yuhin sa daliri at paluin pa sa ulo ng amo. Naranasan rin niya na mabuhusan ng muriatic acid sa kanyang buhok sanhi upang masunog ang kanyang ulo.

Dahil sa sinapit, sinabi ng Pinay na naisip na niyang magpakamatay su­balit dahil sa pagmamahal niya sa kanyang pamilya sa Pilipinas kaya pinilit niyang makatakas.

Tinutulungan na ni Ambassador Ma. Corazon Yap-Bahjin ng Embahada ang nasabing OFW upang mabigyan ng abogado laban sa employer nito.

AMBASSADOR MA

BAHRAIN

CORAZON YAP-BAHJIN

DAHIL

DEPARTMENT OF FOREIGN AFFAIRS

EMBAHADA

MATINDING

NARANASAN

PILIPINAS

PINAY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with