Scholarship ni Villar sa nabiktimang OFWs
MANILA, Philippines – Inilunsad kahapon ni Senador Manny Villar sa pakikipagtulungan ng Blas Ople Policy Center and Training Institute ang scholarship program para sa mga OFW na biktima ng human trafficking at illegal recruitment.
Kaagapay ang Asian School of Hospitality Arts (ASHA), ang proyekto ay inilunsad sa Cofee Beanery sa Quezon City kung saan 20 OFW ang sasailalim sa tatlong buwang kurso ng hotel housekeeping at pag-aaral maging barista. Makakatanggap ng bayad ang mga ito at posibleng tuluyang kunin bilang mga empleyado ng mga establisimyento kung saan sila nag-OJT.
Kabilang sa mga iskolar ang ilang OFW na biktima ng human trafficking sa Saudi at Malaysia. Ang iba ay mga magsasaka mula sa Nueva Ecija na niloko ng mga illegal recruiters.
“Ang programang ito ay pagbibigay-pugay natin sa mga OFW na patuloy na lumalaban upang makamtan nila ang hustisya laban sa mga nanloko sa kanila,” ayon kay Sen. Villar. Ito din ay paraan ng senador na maipagpatuloy ang pangakong pagbibigay-tulong sa mga OFW.
Para sa mga katanungan sa Skills-Up Program, tumawag sa Blas Ople Policy Center 833-5337, 833-9562.
- Latest
- Trending