^

Bansa

Dagdag bayad ng mga guro inisnab ni P-Noy

- Danilo Garcia -

MANILA, Philippines - Magkahalong lungkot ang nararamdaman ngayon ng libo-libong guro na miyembro ng Alliance of Concerned Teachers (ACT) makaraang isnabin umano ni Pangulong Aquino ang kanilang kahili­ngan na dagdagan ang kompensasyon nila para sa mga mamamahala sa darating na Barangay at Sangguniang Kabataan elections sa Lunes.

Dahil dito, kinondena ng ACT ang kawalang-aksyon ni P-Noy na maitaas sa P4,000 ang P2,000 nakatakdang ibayad sa mga guro na magsisilbing “board of election tellers (BET)”.

“The President has not heeded our demands for increased and just compensation for the additional and dangerous work that we will render as board of election tellers,” ayon kay ACT secretary general France Castro.

Ito’y makaraang magbigay ng opisyal na liham ang ACT sa Pangulo na inendorso pa mismo ni Department of Education Undersecretary for Legal Affaris Alberto Yumot.

Dapat umanong mabatid ni P-Noy ang panganib na sinusuong ng mga guro tuwing mamamahala sa halalan partikular na sa lokal na eleksyon tulad ng sa barangay. Pinangalanan nito sina Nellie Banag ng Batangas noong 2007 at Filomena Tatlonghari na kapwa napaslang noong 1995 ng mga armadong salarin habang ipinagtatanggol ng mga ito ang mga ballot box.

Isang kilos-protesta ang isinagawa ng ACT sa may Ninoy Aquino monument sa may Delta cor. Quezon Avenue dakong alas-5 ng hapon na inaasahang ipagpapatuloy hanggang araw ng halalan.

ALLIANCE OF CONCERNED TEACHERS

DEPARTMENT OF EDUCATION UNDERSECRETARY

FILOMENA TATLONGHARI

FRANCE CASTRO

LEGAL AFFARIS ALBERTO YUMOT

NELLIE BANAG

NINOY AQUINO

P-NOY

PANGULONG AQUINO

QUEZON AVENUE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with