^

Bansa

Hari ng Belgium pinasalamatan ng Rizal, Laguna residents

- Butch M. Quejada -

MANILA, Philippines - Pinasalamatan ng 15 kinatawan ng mga organi­sasyong sumusuporta sa Laguna Lake Rehabilitation Project si Haring Albert II ng Belguim dahil sa pagsuporta sa proyekto na pakikinabang ng milyon-milyong residente na naninirahan sa paligid ng pinakamalaking lawa sa bansa.

Ayon kay Gil Navarro, tagapagsalita ng Kilusang Lawa Kalikasan (KLK), lumiham sila sa hari sa pamamagitan ng Belgian embassy upang ihayag ang kanilang pasasalamat sa masugid na interes ng kaharian sa development project sa Pilipinas.

Ang nasabing liham ay nilagdaan umano ng 650 opisyal ng 30 organisasyon sa Laguna at Rizal na kumakatawan sa mahigit sa 35,000 katao kung saan nakasaad na sila ay nagpapasalamat sa tulong na ibinibigay ni Haring Albert II upang maipatupad ang proyekto sa 94,000 ektaryang lawa.

Kasabay nito nananawagan din ang grupo kay Haring Albert II na umpisahan na sa madaling panahon ang nabinbing rehabilitasyon ng Lawa ng Laguna.

AYON

BELGUIM

GIL NAVARRO

HARING ALBERT

KASABAY

KILUSANG LAWA KALIKASAN

LAGUNA LAKE REHABILITATION PROJECT

LAWA

PILIPINAS

PINASALAMATAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with