Senado hindi na interesado sa 'Glorieta blast'
MANILA, Philippines - Wala nang balak ang Senado na muling buksan ang imbestigasyon sa naganap na pagsabog sa Glorieta noong 2007.
Ito ay sa kabila ng paglutang ng dating head ng Army Explosive and ordnance Disposal na si ret. Col Allan Sollano kung saan sinabi nito na bomba talaga at hindi septic tank ang tunay na dahilan ng pagsabog sa Glorieta.
Ayon kay Senator Gringo Honasan, nagawa na ng Senado ang papel nito kung saan masusi na nilang inimbestigahan ang naturang insidente na nagbunga ng pagkakapasa ng dalawang batas, ang Anti-Terrorism Law at ang Fire Code.
Sinabi ni Honasan na ang Justice department at korte na ang dapat na umaksyon o muling mag-imbestiga sa isiniwalat ni Sollano.
Maaari aniyang katulungin ng Justice Department sa muling pag-iimbestiga sa Glorieta blast ang NBI, PNP at mga eksperto sa explosives.
- Latest
- Trending