3-in-1 firetrucks gawa ng Pinoy

MANILA, Philippines - Hinikayat ni Paul Darley, CEO at President ng WS Darley & Co., kilalang world-class modern fire-fighting technology expert company, ang nag-iisang Pinoy fire truck manufacturer na Anos Research na subukang i-export sa mga Asian countries ang kanilang top-of-the line na mga produktong fire trucks.

Ito ay matapos personal na mabisita at mainspeksyon ni Darley, ang mga gawang Pinoy na fire trucks, maging ang pinakabagong Pinoy 3-in-1 fire truck( Fire, Ambulance and Rescue vehicle).

Ayon kay Darley, marami na umano siyang nabisitang bansa sa buong mundo, pero namangha siya sa naturang Pinoy fire truck dahil bukod sa features nito, na kadalasan ay sa amerika lang umano matatagpuan, nauna na ang Pilipinas sa pagmanufacture ng naturang modern fire truck. Makaba­gong teknolohiya na din ang naturang pinoy fire truck na akmang akma umano sa residential, commercial, at industrial settings sa bansa. 

Show comments