Mandatory drug testing sa drivers license inutil, aalisin na lang
MANILA, Philippines - Dahil wala namang nahuhuling drug user, pinaboran ng mga law enforcers ang panukalang alisin na lamang ang mandatory drug testing para sa mga kumukuha at nagre-renew ng kanilang driver’s license.
Maging si Majority Floor Leader Vicente “Tito” Sotto III na nagsusulong ng pagsugpo ng mga ilegal na droga sa bansa ay naniniwalang inutil ang nasabing mandatory drug testing sa mga drivers sa pagkuha ng kanilang lisensiya.
“It does not works. Wala naman napapala dun, wala namang nahuhuling positive dun tapos nagbabayad pa tayo ng 300 at mga drivers gaya ng transport group talagang nirereklamo nila yun,” ani Sotto sa pagdinig ng Senate Committee on Public Order and Illegal Drugs.
Pumabor sa nasabing panukala ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), Dangerous Drugs Board (DDB), PNP at Department of Health.
Bagaman at gustong tanggalin ni Sotto ang drug testing sa pagkuha ng driver’s license dahil wala namang nahuhuling users, isinusulong naman nito ang panukalang batas na isailalim sa mandatory drug testing ang mga drivers na masasangkot sa aksidente.
Nais din ni Sotto na isailalim sa buwanang drug test ang mga drivers ng bus at dapat umanong sagutin ng kanilang mga Kapag nagpositibo sa paggamit ng droga, maaring kasuhan ang isang driver ng paglabag sa RA 9165 o Dangerous Drug Act. Of 2001.
- Latest
- Trending