20 Pinoy seamen dinukot sa Kenya!
MANILA, Philippines - Dinukot ng mga piratang Somali ang may 20 tripulanteng Pinoy na sakay ng hinayjack nilang Panama-flagged merchant vessel noong Lunes sa karagatang sakop ng Kenya.
Sa report na nakarating sa Department of Foreign Affairs, ang 20 Pinoy ay inatake ng mga armadong Somali habang lulan ng barkong MV Izumi nang mapadaan sa karagatan ng Mombasa sa Kenya.
Ayon sa European Union Naval Force Somalia, agad na nagpadala ng Danish warship sa lugar upang magresponde at mag-imbestiga nang makapagbigay ng distress signal noong Lunes ang kapitan ng MV Izumi na may bigat na 20, 170 tonelada.
Kabilang na rin sa nagmomonitor ang French warship FS Floreal sa tinangay na barko may 170 nautical miles sa katimugan ng Mogadishu.
Ang nasabing barko ay pag-aari ng Japanese shipping company NYK-Hinode Line Ltd., at patungo na sa Singapore mula Mimitsi Port sa Tokyo nang masabat ng mga pirata na kumikilos sa karagatan ng Mombasa.
Base sa rekord, may 17 barko ang hawak ngayon ng mga Somali pirates sakay ng may 369 hostages.
- Latest
- Trending