^

Bansa

Ombudsman binira sa mabagal na pagkilos sa mga naisampang kaso

- Butch M. Quejada -

MANILA, Philippines - Mariing kinondena ng isang lokal na opisyal ng Pililia, Rizal ang umano’y mabagal na pagkilos ng tanggapan ng Ombudsman sa mga kasong naisasampa dito na halos ay inaamag na.

Sa isang press conference sa QC, inireklamo ni barangay Chairman Salvador Fidel ng Bgy. Malaya sa Pililia, Rizal ang patuloy na kabiguan ng tanggapan ng Deputy Ombudsman for Luzon na aksiyonan ang naisampa nilang kasong falsification of public documents laban kay Pililia, Rizal Mayor Leandro Masikip Sr. noong 2005 pero hanggang ngayon ay wala pa ding pagkilos ang naturang ahensiya ng pamahalaan.

Ayon pa kay Fidel, may nakasalang na panibagong ganitong uri din ng kaso ang naisampa nila nitong Agosto 31, 2010 laban pa rin kay Mayor Masikip kaya nanga­­ngamba siyang baka bumilang na naman sila ng ilang mga taon bago ito maaksiyunan.

Nag-ugat ang kaso sa umano’y magkasunod na reso­lusyon na pinalabas ni Masikip sa ilalim ng parehong resolution number 41 series of 2007 na nag-aapruba sa supple­mental budget na may halagang P350,719.21 para sa Sangguniang Barangay ng Bgy. Bagumbayan.

AGOSTO

AYON

BGY

CHAIRMAN SALVADOR FIDEL

DEPUTY OMBUDSMAN

MAYOR MASIKIP

PILILIA

RIZAL

RIZAL MAYOR LEANDRO MASIKIP SR.

SANGGUNIANG BARANGAY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with