^

Bansa

Pagtiwalag kay P-Noy binawi ng obispo

- Nila Mer Layson/Doris Franche/Rudy Andal -

MANILA, Philippines - Itinanggi ni Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) at Tandag Bishop Nereo Odchimar na binantaan niyang ititiwalag mula sa Christian community si Pangulong Aquino sa isyu ng contraceptives.

Sa kanyang statement, sinabi ni Odchimar na ang pakikipagdayalogo ang kanilang isinusulong at pangunahing hakba­ngin at paraan upang mabigyan ng linaw ang panig ng Pangulo sa kontrobersiyal na isyu.

Aniya, hindi kaila­ngan ang anumang kom­prontas­yon dahil ito ay maselang usapin at ang bantang “excommunication” ay hindi napapana­hon.

Ang “excommunication” ay isang religious censure na ginagamit upang pagkaitan o suspendihin ang isang Katoliko mula sa pagiging mi­yembro nito ng religious community.

Marami anyang grounds ang excommunication at isa na rito ang aborsiyon, kung saan ang pamimigay ng contraceptive ay maituturing aniyang accessory nito.

Tanging kay Manila Archbishop Gaudencio Cardinal Rosales lamang umano manggagaling ang deklarasyon.

Gayunman, aminado din si Odchimar na ang sentimyento ng mga obispo ay ang kanilang pagkadismaya sa napaulat na posisyon ng Pangulong Aquino sa artificial contraceptives.

Sa kabila nito, nanindigan pa rin si PNoy na hindi magbabago ang kaniyang posisyon hinggil sa pagpaplano ng pamilya kung saan ay binibigyan ng choice ang mag-asawa kung anong method ang kanilang gagamitin.

ANIYA

CATHOLIC BISHOPS

CONFERENCE OF THE PHILIPPINES

GAYUNMAN

ITINANGGI

KATOLIKO

MANILA ARCHBISHOP GAUDENCIO CARDINAL ROSALES

ODCHIMAR

PANGULONG AQUINO

TANDAG BISHOP NEREO ODCHIMAR

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with