Palasyo, tinapyasan ang sariling pondo sa 2011
MANILA, Philippines - Hindi hihingi sa Kongreso ng karagdagang pondo ang Malacañang para sa 2011 sa kabila ng paglikha ni Pangulong Noynoy Aquino sa Truth Commission at Presidential Communications Development and Strategic Planning Office.
Sinabi ni Executive Secretary Paquito Ochoa, Jr. sa pagdinig ng Senado kaugnay ng pondo noong Huwebes, nasa P4.075 bilyon lang ang hihinging pondo ng Executive Department o 4.3 porsiyentong pagbaba mula sa dating pondo ng nakaraang administrasyon bilang pagsunod sa pagtitipid na ibinabandila ni Pangulong Aquino. Ito rin ang pondong inaprubahan ng Committee on Ap propriations ng Kamara noong nakaraang linggo.
Ipinaliwanag ni Ochoa na para maibaba ang mga gastusin, binawasan ng Office of the President ang pag gastos sa iba’t ibang serbisyo sa loob ng Malacañang, binuwag ang 10 nakakabit na ahensiya, at nagkaroon din ng realignment sa intelligence funds ng Palasyo at pera ng Presidential Anti-Organized Crime Commission.
Sinabi ni Ochoa na ang nakalaang pondo para sa Maintenance, Operating and Other Expenses (MOOE) ay nabawasan nang P163.9 milyon at natapyasan naman nang P152.7 ang professional services.
Nagkaroon din pagkalos sa gastusin sa pagpapaimprenta, anunsiyo, pagbibiyahe, at representation allowance.
- Latest
- Trending