Bagong Sandiganbayan Justice nanumpa
MANILA, Philippines - Pormal ng nanumpa si Justice Edilberto Sandoval bilang bagong Presiding Justice ng Sandiganbayan.
Pasado alas-11 ng umaga ng manumpa si Sandoval sa harap ni Supreme Court (SC) Chief Justice Renato Corona kasama ang pamilya at malapit na kaibigan.
Si Sandoval ang orihinal na mahistrado na humawak ng kasong plunder nooon laban kay dating Pangulong Joseph Estrada at 25 taon ng nagsisilbi sa hudikatura.
Apat na beses na nairekomenda ng Judicial and Bar Council (JBC) si Sandoval bilang mahistrado ng Korte Suprema at bilang presiding justice ng Sandiganbayan.
Isa rin ito sa mga nag-aplay noon para sa Chief Justice position na babakantehin ni dating Chief Justice Reynato Puno.
- Latest
- Trending