^

Bansa

'Jueteng, STL wars ang pagdawit kay Verzosa'

- Joy Cantos -

MANILA, Philippines - Isa umanong giyera o labanan sa pagitan ng Small Town Lottery (STL) operators at ng mga jueteng lords ang pagdadawit sa pangalan ni dating PNP Chief Jesus Verzosa sa expose sa jueteng payola.

“This whole circus is a war between jueteng lords and STL operators,” pahayag ni Atty. Benjamin delos Santos, Spokesman at legal counsel ni Verzosa. 

Sa halip sinabi ni de los Santos na ang listahan na isinumite ni Cruz ay hindi legal na pruweba para patunayan ang nasabing jueteng payola dahil ang source nito na si Atong Ang ay sangkot sa jueteng na nagbabalatkayo sa STL upang pagtakpan ang illegal nitong operasyon.

Binigyang diin ni de los Santos, noon pang Hulyo 26 ay nagsumite na si Verzosa ng ‘holistic solution’ kay DILG Secretary Jesse Robredo at maging sa Kongreso noong Set­yembre 26 upang tuldukan ang iligal na operasyon ng jueteng.

Naghihinala naman ang ilang mga heneral ng PNP na nais lamang harangin ang planong pagbibigay ng puwesto kay Verzosa ni P-Noy kaya idinadawit ito sa nasabing jueteng scam bilang black propaganda.

ATONG ANG

BINIGYANG

CHIEF JESUS VERZOSA

CRUZ

HULYO

ISA

JUETENG

SECRETARY JESSE ROBREDO

SMALL TOWN LOTTERY

VERZOSA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with