^

Bansa

Babae umaming anak si 'George Francis'

- Ni Ludy Bermudo -

MANILA, Philippines - Umamin na ang ba­baeng pasahero ng Gulf Air Flight na inimbitahan ng National Bureau of Investigation (NBI) na siya ang nag­silang kay George Francis, ang sanggol na ini­wan sa loob basurahan sa comfort room ng nasa­bing eroplano noong Linggo. 

Nabatid kay NBI Director Magtanggol Gatdula na binisita ni Cavite Rep. Lani Mercado ang nasabing pasahero na sinundo pa sa Flora, Apayao ng mga ahente ng NBI kama­kalawa.

Ayon naman kay Gat­dula, sa salaysay ng babae ay batid nitong malapit na siyang manganak sa pa­nahon na pauwi na siya mula Bahrain ngunit si­nadya niyang tinago ang kanyang tiyan sa pama­magitan ng pagsusuot ng girdle. Posibleng ito umano ang dahilan kung kaya nag­karoon ng mga bukol sa ulo ang sanggol at may hematoma sa mata.

Ang di pinangalanang babae ay nasa 30 taong gulang na nagsabi ding pinauwi siya ng kaniyang amo mula sa Bahrain.

Nagsisisi na din umano ang babae sa ginawa sa anak at nais niya na rin nga­yon na mabawi ang beybi.

Nanindigan naman si Gatdula na kahit na uma­min na ang babae na siya ang ina ni George Francis ay kinakailangang hintayin muna ang resulta ng DNA.

Pinag-aaralan pa rin umano nila ang kaso na maaaring isampa laban rito dahil inaalam pa nila ang posibilidad na baka biktima ito ng pang-aabuso sa ibang bansa.

Kabilang din sa iim­bestigahan ng NBI ay ang anggulo ng human trafficking kung kaya nais din nilang matunton ang employer ng babae sa Bahrain at ang naging recruiter nito.

Bukas ay nakatakda itong ilipat sa kus­todiya ng DSWD kung saan naroon din si George Francis.

Una rito, isinailalim muna sa medical check-up sa PGH ang ina ni George Francis kung saan lumitaw na positibong kapapa­nganak pa lamang nito dahil sa maga pa ang ma­tris at nagla-lactate o may gatas na lumalabas sa dibdib.

vuukle comment

APAYAO

AYON

BAHRAIN

CAVITE REP

DIRECTOR MAGTANGGOL GATDULA

GEORGE FRANCIS

GULF AIR FLIGHT

LANI MERCADO

NATIONAL BUREAU OF INVESTIGATION

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with