CBCP umapela vs iligal na pasugalan
MANILA, Philippines - Nanawagan ang Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) sa pamahalaan na paimbestigahan ang lahat ng uri ng iligal na pasugalan maging ang ilang local officials na nakikinabang umano rito.
Ito’y kasunod ng ulat na sinusuyo umano ng isang big-time gambling lord ang ilang opisyal na proteksiyunan ang kanyang illegal na pasugalan tulad ng small town lottery (STL) at buwagin ang ilang maliliit na pasugalan gaya ng lotteng, sakla, video karera, fruit game, peryahan, pula at puti at ang talamak na jueteng. Layunin aniya ng nabanggit na gambling lord na ang kanyang illegal na pasugalan lamang ang magsasagawa ng operasyon sa Metro Manila.
Nabatid na mula sa Region 1 hanggang Region 5 ay may prangkisa aniya ang STL nito, ngunit napag-alaman na hindi pala ito accredited sa PCSO kaya’t sa kanya napupunta ang buong kita ng operasyon.
- Latest
- Trending






















