Bonus, allowance ng GOCC executives ipinatigil ni P-Noy
MANILA, Philippines - Sinuspinde ni Pangulong Aquino hanggang Disyembre 31 ang lahat ng bonuses ng mga director at board of trustees ng mga Government Owned and Controlled Corporations (GOCCs) at Government Financial Institutions (GFIs).
Nagpalabas kahapon ng Executive Order no. 7 ang Pangulo na nagpapahinto sa mga bonuses ng lahat ng director ng GOCCs at GFIs.
Iniutos din ni Aquino ang moratorium sa sahod, allowances, incentives at iba pang benepisyo ng mga GOCCs at GFIs.
Bumuo din ng task force on Corporate Compensation si Pangulong Aquino upang rebyuhin ang lahat na tinatanggap na suweldo at perks ng mga opisyal at empleyado ng mga GOCCs at GFIs.
Matapos ang inventory ay magsusumite ng rekomendasyon ang TF on Corporate Compensation kay Pangulong Aquino para sa salary cap ng mga ito.
- Latest
- Trending


















