Forensic Science Institute kailangan ng Pinas - Villar
MANILA, Philippines - Dahil sa nakakaalarmang pagtaas ng crime rate sa bansa, inirekomenda ni Senator Manny Villar Jr., sa pamahalaan ang pagtatatag ng isang Forensic Science Institute sa University of the Philippines.
Isinulong ni Villar ang panukala matapos ang nangyaring madugong hostage taking incident sa Quirino Grandstand at ang karumal-dumal na pagmasaker sa 57 sibilyan sa Maguindanao kabilang ang 30 journalists noong nakaraang taon.
Sa Senate Bill 1121 na inihain ni Villar, sinabi nito na mahalagang magkaroon ng sariling forensic institution sa bansa para makatulong sa mga awtoridad sa pagsusuri ng mga physical evidence sa isang krimen.
Naniniwala si Villar na malaki ang maitutulong ng Forensic Science para sa mabilisang paglutas ng mga krimen sa bansa.
Makatuwiran lamang aniya na mag-develop ang Pilipinas ng isang grupo ng professional experts upang magsagawa ng modernong scientific methods at forensic investigations.
- Latest
- Trending