^

Bansa

Galit ng HK nationals mababawasan kung may mapaparusahan - Loren

- Ni Malou Escudero -

MANILA, Philippines - Mababawasan lamang ang galit ng mga Hong Kong nationals tungkol sa madugong hostage crisis na nangyari sa Quirino Grandstand kung saan walo sa kanilang kababayan ang napaslang kung may mapaparusahang opisyal ng pamahalaan sa Pilipinas.

Ayon kay Senator Loren Legarada, pinuno ng Senate Committee on Foreign Relations, hindi aniya tamang magdusa ng husto ang ating bansa ng dahil sa kapabayaan at kapalpakan ng ilang mga opisyal ng gobyerno.

Sinabi ni Legarda na walang dapat na paligtasin ang Incident Investigation Review Committee (IIRC) sa mga dapat managot sa  naturang trahedya dahil dito nakasalalay ang mabilis na paghupa ng galit ng mga Hong Kong at Chinese nationals.

Giit pa ni Legarda, dapat tiyakin ng IIRC na hindi magiging bias sa halip ay transparent at komprehensibo ang isinagawa nitong marathon hearing.

Binabantayan aniya ng husto hindi lang ng HK at Chinese government ma­ging ng buong mundo ang ginagawang imbestigasyon ng IIRC.

Samantala, iginiit din ni Legarda na dapat umanong managot sinuman ang responsable sa sinasabing maling paglalagay ng label sa mga labi ng tatlong Hongkong nationals na biktima ng hostage taking dahilan kaya nagkamali din ng pinagpadalhang pamilya sa mga ito. 

AYON

BINABANTAYAN

FOREIGN RELATIONS

HONG KONG

INCIDENT INVESTIGATION REVIEW COMMITTEE

LEGARDA

QUIRINO GRANDSTAND

SENATE COMMITTEE

SENATOR LOREN LEGARADA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with