Retiradong sundalo nagbantang gagayahin si Mendoza
MANILA, Philippines - Naalarma ang Senate Blue Ribbon Oversight Office Management o BROOM makaraang makatanggap ng isang tawag kamakalawa (Set yembre 1) mula sa isang retiradong sundalo na may matagal ng naisumiteng reklamo at nagbanta na gagayahin nito ang nasawing hostage-taker na si Snr. Insp. Rolando Mendoza kapag hindi pa ito inaksyunan.
Kinilala ang tumawag na si retired T/Sgt. Charmie Palencia na humihiling na mapasama sa kanyang benepisyo sa military service ang kanyang broken service mula Pebrero 1988 hanggang 1994.
Dahil dito, agad na sumulat si BROOM Director- General Rodolfo Noel Quimbo kay Philippine Army Commanding General Arturo Ortiz at kay Defense Undersec retary Pio Batino para ipabatid ang pagbabanta na ito ni Palencia.
Sinabi ni Quimbo na bagama’t madalang mag-follow up ng kaniyang reklamo sa tanggapan ng BROOM si Palancia, naalarma sila ng magbanta na ito na gagayahin ang hostage taker na si Mendoza.
Ayon pa kay Quimbo sa tuwing tatawag si Palencia sa kanilang tanggapan para mag follow up sa kanyang reklamo ay nagbabanta ito na mag po-protesta sa Luneta at kamakalawa nga ay nanakot na ito na gagayahin ang ginawa ni Mendoza na nang-hostage.
- Latest
- Trending