^

Bansa

Laguna de Bay rehab pinaboran ng DOJ

- Gemma Amargo-Garcia -

MANILA, Philippines - Hindi maaaring ituring ang Laguna de Bay Rehabilitation Project bilang isang midnight deal dahil sa sakop ito ng Overseas Development Assistance (ODA) mula sa pama­halaan ng Belgium.

Dahil dito, ang proyekto ay hindi sakop ng Government Procurement Act, batay sa Opinion No. 38, Series 2010 na nilagdaan ni Justice Secretary Leila M. de Lima noong Agosto 18.

Inisyu ni De Lima ang 14-pahinang opinion base sa hiling ni Environment Secretary Ramon Paje sa DOJ upang madetermina kung ang supply contract sa pagitan ng DENR at ng kumpanyang Belgian na Baggerwerken Decloedt En Zoon (BDC) ay valid at nararapat na pagkalooban ng Notice to Proceed (NTP).

Ang opinion, na na­kuha dalawang linggo ma­tapos itong lagdaan, ay nagpatibay sa DoJ Opi­nions No. 26 na inisyu noong Hunyo 13 at No. 30 na may petsang Hunyo 23, na kapwa inisyu ni Acting Secretary Alberto Agra.

Bukod dito, ang mga nasabing opinion ay nag­sasaad na “direct award of the Contract to Bagger­werken Deloedt En Zoon N.V, is supported by law as the procurement of infrastructure projects funded by ODA is excluded from public bidding.”

ACTING SECRETARY ALBERTO AGRA

BAGGERWERKEN DECLOEDT EN ZOON

BAY REHABILITATION PROJECT

DE LIMA

DELOEDT EN ZOON N

ENVIRONMENT SECRETARY RAMON PAJE

GOVERNMENT PROCUREMENT ACT

HUNYO

JUSTICE SECRETARY LEILA M

OPINION NO

OVERSEAS DEVELOPMENT ASSISTANCE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with