Skyway projects kailangan ng bansa
MANILA, Philippines - Kailangang magsagawa ang Malacañang ng mga proyektong sumasailalim sa build-operate-transfer gaya ng South Luzon Skyway kung nais nitong umasenso ang bansa, ayon sa National Economic Development Authority.
Sinabi ni NEDA Director General Cayetano Paderanga na dapat magtulungan ang pribado at pampublikong sektor upang maisagawa ang mga infrastructure projects at ma kamit ang target na pitong porsiyentong pagtaas ng ekonomiya sa 2011.
Hinikayat ni businessman Cesar Quiambao ang PT Citra conglomerate na tumulong sa paggawa nito kasama ang Philippine National Construction Corp.
Si Quiambao din ang sumubok ng $80 milyong LTO information technology project na nagpabilis ng proseso ng mga lisensya ng drayber. Dati, mahigit tatlong buwan pa para maka-renew ng driver’s license.
- Latest
- Trending