MANILA, Philippines - Nagkasundo ang dalawang kapulungan ng Kongreso na paikliin ang bakasyon ng mga mambabatas at pahabain ang araw ng kanilang pagta-trabaho.
Ayon kay Senate Majority Leader Vicente Sotto III, maraming mga nakahaing panukalang batas kaya mas pinaikli nila ang vacation breaks maliban lamang sa Holy Week break.
Noong 14th Congress ang First Regular Session ay mula Hulyo 23, 2007 at nag-adjourned ng Oktubre 12. Sa kasalukuyang legislative calendar, ang sesyon ay opisyal na binuksan noong Hulyo 26 at magtatapos sa Oktubre 15, 2010. Mas maikli umano ang kanilang break ngayon na mula Oktubre 16-Nobyembre 6.
Ang susunod na break na ng mga mambabatas ay sa Dis. 18-Enero 16 at mula Marso 26-Mayo 8, 2011.