Pakikipag-phone sex gagawing kasong kriminal
MANILA, Philippines - Nais ni Senator Jinggoy Estrada na gawing kasong kriminal ang pakikipag-phone sex at ang mga mahuhuli ay pagmumultahin ng hindi bababa sa P10,000 pero hindi naman lalampas sa P20,000.
Bukod sa multa, nakasaas din sa Senate Bill 850 ni Estrada na mabilanggo ng mula anim na taon hanggang walong taon ang mga taong mapaparusahan sa ilalim ng kaniyang “Anti Dial-a-Porn Act”.
Naglipana na umano ang mga “dial-a-porn” service providers kung saan maaaring makipang phone sex ang mga tumatawag.
Naniniwala ang senador na ang mga dial-a-porn services ay nagiging daan din upang ma-corrupt ang moralidad ng mga mamamayan lalo na ang mga kabataan na anumang oras ay maaaring makatawag upang makipag-phone sex.
- Latest
- Trending