^

Bansa

Suspect sa Zamboanga bombing tugisin - General Verzosa

- Joy Cantos -

MANILA, Philippines - Arrest the suspects!

Ito ang mariing utos kahapon ni Philippine National Police (PNP) Chief Director General Jesus Verzosa kaugnay ng malagim na pambobomba sa paliparan ng Zamboanga City noong Huwebes ng gabi na ikinasawi ng dalawa katao, isa rito ay ang may dalang bomba habang mahigit 20 pa ang nasugatan.

Ayon kay Verzosa ang pambobomba ay pinaniniwalaang ikalawa sa bigong ‘assassination plot’ laban kay Sulu Governor Abdusakur Tan na kabilang sa nasugatan sa insidente .

Sinabi ni Verzosa na natukoy na isang Cocoy Tulawie na nakabase sa Sulu ang isa sa mastermind sa pagpapasabog, Sulayman Mohammad habang ang isa pa ay si Hatimil Haron Yacob , isa sa namatay sa trahedya.

“May warrant of arrest na ang mga ito and we are exerting all efforts para mahuli sila “, anang opisyal na sinabi pang pulitika ang isa sa matibay na anggulong sinisilip nila sa kasong ito.

Sa kasalukuyan , ayon kay Verzosa ay sinusuri na nila ang Closed Circuit Television (CCTV) camera upang matukoy ang mga posible pang sangkot sa pambobomba.

Bandang alas-6:15 ng gabi noong Huwebes ay sumambulat ang bomba na nasa backpack ng suspect na si Reynaldo Apelado na ikinagutay ng katawan nito may isang metro lamang ang layo kay Tan na naglalakad sa arrival area ng Zamboanga City airport.

Nabatid na kumbinsido si Tan na siya ang target ng pambobomba matapos na minsan ng pagtangkaan ang kaniyang buhay ng pasabugan rin ng bomba ang kaniyang convoy sa Sulu Provincial Capitol noong Mayo 13, 2009 na ikinasugat ng sampu katao kabilang ang gobernador. Ang grupo ni Tulawie, ayon kay Verzosa ay sangkot sa naturang mga pambobomba.

Sa inisyal na im­bes­tigasyon sa blast site, nabatid na isang anfo Improvised Explosive Device (IED) o ammonium nitrate na may fuel oil ang ginamit ng mga suspek.

CHIEF DIRECTOR GENERAL JESUS VERZOSA

CLOSED CIRCUIT TELEVISION

COCOY TULAWIE

HATIMIL HARON YACOB

HUWEBES

IMPROVISED EXPLOSIVE DEVICE

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

REYNALDO APELADO

VERZOSA

ZAMBOANGA CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with