^

Bansa

Taas pasahe sa MRT, LRT inatras na!

- Danilo Garcia -

MANILA, Philippines - Inatras na ng Department of Transportation and Communications (DOTC) ang balak nitong itaas ang pasahe sa Metro Rail Transit (MRT) at Light Rail Transit (LRT) bunsod na rin ng napa­karaming pana­ wagan buhat sa mga pasahero.

Sinabi ni Undersec­retary Dante Velasco, nagdesisyon sila na hindi na ipatupad ang “fare hike” upang hindi na madagdagan ang pa­bigat sa mga mahihirap na pasahero na siyang pangunahing tumatang­kilik sa dalawang train system.

Hahanap na lamang umano ng ibang solus­yon ang DOTC na pag­kukunan para ipampuno sa subisidiya para sa operasyon ng MRT at LRT tulad ng pagpa­palakas sa “advertising aspect” at pagpapaarkila ng kanilang mga es­pasyo para sa mga ne­gosyante.

Sa kabila nito, kung hindi umano mapupunan ng mga alternatibong “non-rail income”, po­sible pa rin umano na magtaas sila sa pasahe ngunit magiging “minimal” la­ mang upang ma­ka­yanan ng mga pasa­hero.

Matatandaang nitong Lunes ay naglunsad ng signature campaign kon­tra sa planong pagda­rag­­dag sa pasahe ang daan-daang pasahero ng MRT na inilunsad ng mili­tanteng grupong Bagong Alyansang Ma­kabayan at National Council for Commuters Protection.

Una nang sinabi ng DOTC na ang pla­nong fare hike sa MRT at LRT ay dahil sa pagka­lugi ng pamahalaan dulot ng patuloy na pagbibigay ng subsidiya sa mga ito. Dapat sanang nasa P60 ang pasahe ngunit P15 lamang ang sinisingil dahil sa subsidiya ng gobyerno.

BAGONG ALYANSANG MA

COMMUTERS PROTECTION

DANTE VELASCO

DAPAT

DEPARTMENT OF TRANSPORTATION AND COMMUNICATIONS

LIGHT RAIL TRANSIT

METRO RAIL TRANSIT

NATIONAL COUNCIL

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with