^

Bansa

You're fired!

- Ni Rudy Andal -

MANILA, Philippines – Ipinag-utos kaha­pon ni Pangulong Be­nigno Aquino III ang pagsibak sa mga tina­tawag na ‘midnight appointees’ sa pa­ma­ma­gitan ng ipi­nalabas nitong Executive Order No. 2.

Sinabi nina Presidential Spokesman Ed­­win Lacierda at Pre­s­idential Legal Counsel Ed de Mesa sa me­dia briefing kahapon, naka­paloob sa EO No. 2 ang pagbawi at pag­papa­walang-bisa sa lahat ng ‘midnight appointments’ na ipina­labas ni dating Pangu­long Gloria Ma­capa­gal-Arroyo na lu­mabag sa Constitutional ban.

Ayon kay Sec. de Me­sa, malinaw na ipi­nag­­babawal ang mga appointments sa gob­yerno 45 araw bago ang eleksyon na naka­pa­loob sa Omnibus Election Code kaya pinawa­wa­lang-bisa ni P-Noy ang mga tinata­wag na ‘mid­night appointments’.

Sinabi ni de Mesa, ang mga sakop ng EO #2 ay ang mga appointments na ginawa ni Mrs. Arroyo mula Marso 11 at mga appointees na na­numpa sa kanilang ba­gong posisyon pagka­tapos ng Marso 11 na sakop ng Constitutional ban on appointments.

Ipinaliwanag pa ng chief presidential legal counsel, aabot sa 997 ang ginawang appointments ni Mrs. Arroyo ang aalamin kung ano dito ang mga lumabag sa batas.

Aniya, inatasan din ni P-Noy si Executive Secretary Paquito Ochoa na magtalaga ng officer-in-charge bilang kapalit ng mga sisiba­king midnight appointees sa gobyerno ga­yundin sa mga Government Owned and Controlled Corporations (GOCC’s).

Idinagdag pa ni de Mesa, maging ang mga appointments na gi­na­wa sa judiciary ay sisili­pin din kung ito ay na­kapaloob sa itinutu­ring na ‘midnight appointments’.

Samantala, iginiit din ni Presidential Spokesman Edwin La­cierda na hindi kasama sa EO number 2 ang pag­ta­talaga kay Chief Justice Renato Corona da­hil ang pinagtibay ng Kor­te Suprema ang le­ga­li­dad ng pagtatalaga ni dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo kay Chief Justice Corona ka­hit na ito ay naganap sakop ng constitutional ban on appointments.

Wika pa ni Sec. La­cierda, ng magde­sis­yon ang Korte Su­pre­ma hinggil sa legalidad ng appointment ni CJ Corona ay iginagalang ito ni Pangulong Be­nigno Aquino III.

APPOINTMENTS

AQUINO

CHIEF JUSTICE CORONA

CHIEF JUSTICE RENATO CORONA

EXECUTIVE ORDER NO

EXECUTIVE SECRETARY PAQUITO OCHOA

MRS. ARROYO

PANGULONG BE

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with