Sobrang laking bonuses, bubusisiin ng MWSS
MANILA, Philippines - Nakatakdang busisiin ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) ang umano’y sobrang laking bonuses ng mga board member ng ahensiya para sa kaalaman ng taumbayan.
Sinabi ni MWSS head Macra Cruz, pag-uusapan ng mga opisyales ng MWSS ngayong Huwebes ang tungkol sa bonuses matapos puntiryahin ang ahensiya ni Pangulong Noynoy Aquino sa kanyang State of the Nation Address (SONA) noong Lunes.
Anya, ikukumpara din niya sa MWSS bonuses ang natatanggap na bonus ng mga empleado ng ibang government agencies at government-owned and controlled corporations (GOCCs).
Gayunman, niliwanag ni Cruz na ang bonuses ay hindi anomalya dahil ito ay naaprubahan ng mga kinauukulang opisyal ng pamahalaan.
Sinabi pa ni Cruz na inaayos na din ng MWSS ang pension benefits ng mga retiradong MWSS employees na umaabot sa halagang P600 hanggang P700 million.
Sa Sona ni P-Noy, sinabi nitong ang mga opisyales ng MWSS ay tumatanggap ng 30th month pay habang ang miembro ng Board of Trustees ay tumatanggap ng P14,000 per board meeting, grocery incentives, mid-year bonuses, productivity bonuses, anniversary bonuses, year-end bonuses, financial assistance, Christmas bonus at Christmas package.
- Latest
- Trending