Non-appearance sa LTO wawalisin
MANILA, Philippines - Tiniyak ni Land Transportation Office Chief Virginia Torres na buburahin nito ang non-appearance testing sa mga inirerehistrong sasakyan sa LTO.
Sinabi ni Torres na handa niyang ipaalis ang direct-connect operation ng IT provider ng LTO na Stradcom Corp. kung ito lamang ang solusyon para mawala na ang n-a testing.
Nangako naman sa kanya si Private Emission Test Center Operators Association (PETCOA) President Tony Halili na makikiisa sa kapanya at babantayan ang kanilang mga miyembro na magsasagawa ng N-A testing sa pagsusuri sa usok ng mga sasakyan na iparerehistro sa LTO.
Bukod sa Petcoa, kasama rin ng LTO sa kampanya kontra N-A testing ang mga opisyales ng Coalition of Clean Air Advocates (CCAA) at Petc-IT providers na RDMS, Eurolink, Etcit at Cyberlink.
Bunsod nito, pinasusumite ni Torres sa Petcoa, Petc IT at CCAA ang mga ebidensiya ng mga Petcs na nag-direct connect sa Stradcom upang mapatunayan ang mga alegasyon na tahasang lumabag ang mga ito sa patakaran ng Clean Air Act.
- Latest
- Trending