GMA, FG umalis pa-HK

MANILA, Philippines - Umalis na kagabi patungong Hong Kong si dating pangulo at ngayo’y Pampanga 2nd district Rep. Gloria Arroyo kasama ang mister na si Mike Arroyo para samahan ang huli na magpagamot.

Lulan ng PAL flight PR 310, nag-check-in ang mag-asawa sa Ninoy Aquino International Airport terminal 2 bandang alas-5 ng hapon para sa 6:40 pm flight.

Kinailangang maghubad ng kanilang mga sapatos ang former first family habang dumaraan sa metal detector kung saan sinabihan din si Mrs. Arroyo na tanggalin ang belt nito.

“Kailangan pa ba”? ta­nong ni Mrs. Arroyo.

“Opo mam, yung sinturon ninyo tumunog.”

Nang tanungin kung kailan sila babalik, “Ay naku, huwag mo akong tanu­ngin diyan,” sagot ng dating pa­ngulo.

Minabuti ng dating presidente na umalis ng bansa isang araw bago ang SONA ni Pangulong Aquino dahil ayaw umano nitong marinig ang pasasabuging “bomba” ni Aquino laban sa kanyang nakalipas na gobyerno.

Show comments