MANILA, Philippines - Nangako ng buong suporta sa pamunuan ni Land Transportation Office Chief Virgie Torres ang Private Emission Test Center Operators Association, Coalition of Clean Air Advocates at Petc-IT upang sama-samang labanan ang non-appearance (N-A) testing sa mga irerehistrong sasakyan sa LTO.
Sinabi ni PETCOA President Tony Halili, Art Gastilo ng Petc-IT gayundin ni Jojo Buerano President ng CCAA handa ang kanilang mga hanay na makipagtulungan sa LTO upang mawakasan na ang non-apperance testing sa mga irerehistrong sasakyan na nag-uugat ng paglipana ng mga mauusok na sasakyan.
Una nang lumagda sa isang kasunduan ang LTO at ang naturang mga grupo noong panahon ni dating Chief Alberto Suansing para labanan ang non-appearance testing sa pagsuri sa usok ng mga sasakyan na irerehistro sa LTO.
Sinabi ni Torres na ayaw niya sa non-appearance kayat pinasasalamatan niya ang naturang grupo bilang katuwang ng ahensiya sa pagpuksa sa N-A operations.