Tax exemptions ng senior citizen tinawag na 'idiotic tax' ni Osmeña
MANILA, Philippines - Mistulang walang pakialam si Sen. Sergio Osmeña III kung magalit sa kaniya ang mga katulad niyang senior citizens matapos tawagin nitong “idiotic tax” ang pagbibigay ng tax exemptions sa mga matatanda at sa malalaking korporasyon na binibigyan ng tax incentives.
Ayon kay Sen. Osmeña, sa nakalipas na dalawang taon sa ilalim ng panunungkulan ni dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo, nasa P100 bilyon ang nawala sa gobyerno dahil sa mga tinatawag na “idiotic tax exemptions” kasama na ang ibinibigay sa mga senior citizens na libre na ngayon sa pagbabayad ng value added tax.
Hindi aniya tama ang pagbibigay ng tax exemptions dahil malaki ang nawawala sa gobyerno.
Ipinahiwatig din nito na wala siyang pakialam kung magalit sa kaniya ang mga senior citizens na hindi umano dapat binibigyan ng tax exemptions.
Hindi aniya dapat nagbibigay ng tax exemption ang gobyerno dahil magiging dahilan ito para maging “inefficient” ang sistema ng pamahalaan at salungat din siya sa pagbibigay ng tax incentives sa mga malalaking korporasyon na hinihikayat na mamuhunan sa bansa.
- Latest
- Trending