^

Bansa

Carpet, door knob tinangay ng Solon

- Ni Malou Escudero -

MANILA, Philippines - Tinangay ng isang talunang mambabatas ang door knob at carpet ng kaniyang opisina sa Mataas na Kapulungan ng Kongreso.

Ayon sa isang source, mukhang nanghinayang ang mambabatas sa imported na door knob at carpet ng kaniyang tanggapan kaya dinala niya ito sa kaniyang pag-alis.

Nabisto ang ginawa ng mambabatas matapos maglipatan ng kuwarto ang kaniyang mga iniwang mi­yembro ng kapulungan na inihahanda na ang kani-kanilang mga tanggapan para sa pagbubukas ng sesyon sa Hulyo 26.

Ayon sa staff ng senador na nakakuha sa kuwarto ng talunang mambabatas, nahirapan silang maghanap ng kapalit dahil imported ito at hindi basta-basta nabibili sa mga ordinaryong hardware.

Kitang-kita naman sa iniwang kuwarto nito na mataas ang taste nito sa gamit dahil pati pintura ng kuwarto ay hindi umano ordinaryo na maaaring basta na lamang punasan kung nadudumihan kundi kaila­ngan pang i-retouch.

Hindi naman sigurado kung pera mismo ng mam­babatas ang ginamit niya sa pagbili ng imported na door knob at carpet kaya niya ito tinangay sa kaniyang pag-alis.

Kilalang mayaman ang nasabing solon na tumakbo nitong  nakaraang eleksiyon pero hindi nanalo.

AYON

HULYO

KANIYANG

KAPULUNGAN

KILALANG

KITANG

KONGRESO

MATAAS

NABISTO

TINANGAY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with