15 bagyo inaasahang papasok sa RP - PAGASA
MANILA, Philippines - Aabot sa 13 hanggang 15 bagyo ang papasok sa bansa sa taong ito sang-ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAG-ASA).
Sinabi ni Elvie Enriquez ng PAGASA, karamihan sa mga bagyong papasok sa Pilipinas ay sa panahon ng La Niña.
“Palagay ko itong taong ito di tayo aabot sa quota. Siguro pinakamarami nating maramdaman 13 to 15, dati ang average 19 to 20”pahayag ni Enriquez.
Aniya sa 13 o 15 bagyo na dadaan sa Pilipinas, isa pa lamang si “Agaton” ang pumasok sa bansa nitong buwan ng Marso pero hindi naman ito nagdulot ng matinding ulan nang itoy pumasok sa bansa.
- Latest
- Trending